Ikinokonsidera ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magkaroon ng access sa mga computer at internet ang mga preso na nanalo sa Barangay at SK elections upang mapaglingkuran ang kanilang mga nasasakupan habang nililitis ang kanilang kaso.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakapanalo ng 3 person deprived of liberty mula sa Tanay Municipal Jail, Dasmariñas City Jail-Male Dormitory, at sa Cagayan de Oro City Jail-Male Dormitory sa idinaos na BSKE noong Oktubre 30.
Ang 3 bilanggo ay kasalukuyang dinidinig pa ang kanilang drug charges.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahalal ang PDLs sa posisyon sa barangay.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na anoya sila sa comelec para matukoy kung paano maisasagawa ng mga nakakulong na nahalal ang kanilang obligasyon barangay kagawad sa kabilang ng mga restriksiyon.
Ayon aniya sa legal office ng ahensiya, kanilang susundin ang precendents na itinakda ng Korte Suprema sa mga dating Senador na nagampanan pa rin amg kanilang tungkulin habang nakakulong.
Sa kabila nito, binigyang diin ng opisyal na hindi bibigyan ng VIP treatment ang mga nahalal na pdls.
Una ng ipinaliwanag ni Comelec chairman Gorge Erwin Garcia na pinayagang tumakbo ang nasabing mga PDL sa halalan dahil wala pang pinal na hatol ng korte o hindi pa convicted ang mga ito sa kanilang mga kinakaharap na kaso.