Pumalo na sa higit P47 million ang ginastos ng pamahalaan para maprotektahan ang mga bilanggo sa pagkakahawa sa COVID-19.

Base sa report na isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi nito na P437,363,816.47 ang kabuuang halaga na nagastos ng Bureau of Jail, Management and Penelogy (BJMP) sa pagbili ng mga gamot, personal protective equipment, at operational expenses para sa digital conferencing sa jail monitoring.

Magmula kasi noong Marso 20, 2020, isinailalim sa total lockdown ang lahat ng jail facilities ng BJMP, at kinansela rin ang visitation privileges ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Bilang alternatibo sa physical visitation, ipinatupad ng BJMP ang E-Dalaw kung saan maari pa ring makausap ng mga PDLs ang kanilang mga kaanak sa pamamgitan ng tawag sa telepono at video conferencing. 

Ito ay para maiwasan na rin ang mass congregation activities o pagtitipon-tipon sa loob ng mga kulungan.

bukod dito, nagsagawa rin ng disinfection sa lahat ng mga bilangguan, ipinatupad ang “no mask no entry” policies, at iba pa.