Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang inatake sa sakit sa puso ang isang biyuda kayat namatay ito sa kalagitnaan ng pakikipagtalik sa isang bus driver sa loob ng isang lodging house sa Matina Aplaya, Talomo, Davao City.

Lumabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng Talomo Police Station na nagkayayaan ang 45-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang Neneng at ang 46-anyos na bus driver na itinago naman sa pangalang Ondo na pumasok sa lodging house.

Ilang minuto pa lang mula sa kanilang pagpasok sa kwarto at nataranta ng lumabas ang lalaki matapos na mawalan umano ng malay ang dalawang taon ng biyuda niyang ka-sex.

Isinasalaysay nito na habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang sexcapade ay bigla na lang umanong tumirik ang mga mata ni Neneng at nangingisay hanggang sa nawalan ng malay.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit hindi na na-revive pa ng mga doctor.