-- Advertisements --
image 152

Pinayagan ng bumiyahe sa dagat ang lahat ng barko sa Timog Luzon ngayong araw ng Miyerkules matapos tanggalin ng state weather bureau ang gale warning sa mga probinsiya.

Kabilang dito ang lahat ng sea travel sa Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, at southern Quezon

Nauna ng pinayagan ang paglalayag ng lahat ng mga barko sa probinsiya ng Batangas at hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo group of islands noong araw ng Linggo.

Matatandaan na noong Agosto 27, nagsimulang sinuspendi ang biyahe sa karagatan para sa lahat ng maliliit na sasakyang pandagat na mayroong lulan na 250 gross tonnages o mas mababa gaya ng motorized passenger o fishing boats sa probinsiya dahil sa hindi magandang kondisyon sa dagat bunsod ng tatlong magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Nakaapekto din ang hanging habagat sa western at southern seaboard ng Timog Luzon na nagresulta ng malalaking alon.