-- Advertisements --

Itinuturing na ang biyahe ni US House Speaker Nancy Pelosi bilang most heavily tracked flight sa kasaysayan.

Ayon sa flight tracking site na Flightradar24 na mayroong mahigit 708,000 katao sa buong mundo ang sumubaybay sa eroplano ni Pelosi kung ito ay nakarating na sa Taipei, Taiwan.

Aabot rin sa mahigit 2.9 milyon katao ang nag-track sa bahagi ng flight ni Pelosi kahit hindi matiyak kung matutuloy ba ito sa Taiwan.

Si Pelosi ay nanggaling sa Kuala Lumpur, Malaysia at nagtungo sa Taiwan lulan ang Boeing C-400 jet na ino-operate ng US Air Force sa call sign na “SPAR19”.

-- Advertisement --