-- Advertisements --

Ipinagpaliban ni King Charles III ang state visit nito nsa France dahil sa patuloy na paglaganap na kilos protesta.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron na hiniling niya sa Buckingham Palace na kung maaring ipagpaliban ang nasabing biyahe ni King Charles III kasama si Camilla ang Queen Consort dahil sa sitwasyon sa France.

Magsisimula sana sa Marso 26 ang biyahe ng Royal King at asawa nito kung saan magtutungo ang mga ito sa Paris at Bordeaux.

Ito sana ang unang state visit ni King Charles mula ng maupo sa puwesto noong Setyembre.

Nagsimula ang malawakang kilos protesta sa France dahil sa pagtaas ng pension age na mula sa dating 62 ay ginawa na itong 64 ganun din ang pagtaas sa contributions ng mga manggagawa.