Epektibo ang bivalent Vaccine kontra sa labis na nakakahawang arcturus.
Ito ang binigyang diin ni Dr. Nina Gloriani, isang microbiologist at dating dean ng UP College of Public Health.
Ang nasabing bakuna aniya ay nagbibigay ng mataas na proteksyon laban sa virus sa likod ng pagkakatukoy ng mga eksperto na ang Arcturus ay malayong mas nakakahawa kumpara sa iba pang subvariant ng COVID-19.
Ani Dr. Gloriani, natukoy din na epektibo ang Bivalent vaccine laban sa iba pang nakakahawang variant ng virus, na maaari ring maging epektibo sa mga susunod pang variant ng COVID 19 sa hinaharap.
Nakatakda namang tumanggap ang pamahalaan ng 391 doses ng mga bivalient vaccine sa susunod na linggo, bilang donasyon ng ibang mga bansa.
Rekomendasyon ng eksperto na nagsilbi rin bilang dating chairman ng Vaccine Expert Panel sa kasagsagan ng pandemiya, na unahing bigyan ng nasabing uri ng bakuna ang mga kabataang may mga comorbidities, katulad ng cardiovascular at lung disease.