-- Advertisements --

Paghandaan na ang mainit na panahon sa mga susunod na araw dahil napawi na ang mga kaulapang dala ng nagdaang bagyong Bising.

Sa nakalipas na mga oras, lalo pa itong humina bilang tropical storm category na lamang.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,060 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay na lamang nito ang lakas ng hangin na 85 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ito nang pasilangan timog silangan sa bilis na 15 kph.