Maaaring tumagal pa sa Philippine territory hanggang sa weekend ang typhoon Bising.
Ito ang pagtaya ni Pagasa forecaster Ariel Roxas sa panayam ng Bombo Radyo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 360 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.
Mabagal pa rin ang pagkilos nito patungo sa direksyong pahilaga hilagang kanluran.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.
Signal No. 2:
Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay, eastern at central portion ng Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran
Signal No. 1:
Southeastern portion ng Cagayan, eastern portion ng Isabela, northeastern portion ng Quirino, northern portion ng Aurora, eastern portion ng Quezon kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, natitirang parte ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, iba pang lugar sa Sorsogon, Masbate kasama na ang Burias at Ticao Islands, Leyte, Southern Leyte, northern portion ng Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands