-- Advertisements --

Itinalaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Bishop Jose Rapadas ng Iligan bilang chairman ng Basic Ecclesial Communities.

Pinalitan nito ang namayapang si Bishop Ronald Lunas ng Pagadian.

Trabaho ng BEC na bumuo ng mga maliliit ng Christian communities sa bansa.

Ang 51-anyos na si Rapadas ay isa sa mga pinakabatang obispo sa bansa na nanilbihan sa diocese ng Iligan bilang una niyang episcopal assignment noong 2019.