Pumanaw na si Bishop-emeritus Antonio Palang ang Apostolic Vicariate ng San Jose, Occidental Mindoro sa edad na 74.

Ayon sa SVD Philippine Northern Province for Communication, Information, Updates and Reflections na inatake sa puso si Palang nitong Miyerkules ng umaga.
Na-ordinahan bilang pari si Palang noong 1972 ng Society of the Divine Word.

Taon 2002 ng italaga siya bilang second bishop ng San Jose.

Naigng prefect at rector ng St. Augustine Minor Seminary sa Calapan City at naging parochial vicar ng St. Joseph Parish sa Bongabong.