-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inakusahan ang Bise Mayor sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte na di-umano’y nangingikil ng limang prosyento sa total cost ng mga ipinapatupad na proyekto sa nasabing bayan.

Ito ay matapos na matanggap ng Bombo Radyo ang impormasyon at tugma sa impormasyon sa panayam kay Sangguniang Bayan Member Sherwin Tamayo.

Sinabi ni Tamayo na habang nasa kalagitnaan ng isinagawang meeting noong Miyerkules, Disyembre 11, 2019 tungkol sa mga proyekto ay nasabi ni Engr. Warner Macusi, Municipal Engineer ng naturang bayan na humihingi si Bise Mayor Hilario Lorenzo ng limang porsiento mula sa total cost ng mga ipinapatupad na proyekto.

Nagkaroon ng interest ang Sangguniang Bayan sa alegasyon ni Macusi dahilan upang imbitahan sila sa gagawing special session para maliwanagan ang isyu.

Samantala, natulala sa gulat si Bise Mayor Lorenzo nang malaman ang paratang ni Engr. Macusi at iginiit na walang katotohanan ang kanyang mga nasabi.

Sinabi nito na gumagamit si Macusi ng dummy o siya mismo ang umatanggap ng mga proyekto at mayroon pang 5 percent na royalty fee sa nakalipas na administrayson.

Dagdag ni Lorenzo na may mga kwestiyonableng proyekto si Macusi at hanggang ngayon ay wala pang sagot.

Desidido ang bise mayor na harapin si Macusi sa gagawing special session.