-- Advertisements --

Nakisalo sa pananghalian sa Malacanang ang mga miyembro ng gabinete, mga senador at kongresista para sa selebrasyon ng ika-65 taong kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ginanap ang birthday luncheon sa Rizal Hall sa Malacanang complex.

Present sa okasyon sina Vice President Sara Duterte-Carpio, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez.

Kinantahan naman ng mga bisita ng “happy birthday song” ang Pangulo.

Tampok din ang isang malaking cake na may disenyong bandila ng Pilipinas dahil sa mga kulay na pula, asul, puti at may disenyong araw.

Sa ibabaw nito ay mayroong miniature figurine ni Pangulong Marcos at pinalibutan din ng mga larawan ng presidente.

Bago ang salo-salo, sinaksihan muna ng mga opisyal at mga mambabatas ang paglagda ni Pangulong Marcos sa Executive Order na nagpapatupad ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries.