-- Advertisements --

Itinanggi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakatutok lamang sila sa mga maliliit na negosyante.

Sinabi ni BIR Commissioner Lilia Guillermo na sila ay patas sa pagkulekta ng mga buwis maging malaki o maliit na negosyante.

Iginiit nito na lahat ng mga negosyante ay dapat magbigay ng mga resibo tuwing may transaksyon sa kanila.

Mayroon aniya silang services na tumututok sa mga malalaking tax payers.