Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue(BIR) ang isang application na magpapabilis sa registration ng mga taxpayers sa bansa.
Ito ay ang Taxpayer Registration-Related Application (TRRA) Portal.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng alternatibong opsyon ang mga taxpayers sa kanilang pagsusumite ng kanilang application for registration sa pamamagitan ng online, hindi katulad dati na tanging personal lamang ang pagsusumite,
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr, sasaklawin nito ang applikasyon para sa mga Taxpayer’s Indentity Number(TIN), pagrerehistro ng mga OFW, applikasyon para sa Authority to Print, at maging ang pag-update ng email address gamit ang Application Sheet Form S1905.
Kasama rin sa sasaklawin ng bagong programa ay ang paglipat o pagpapalit ng mga empleyado at iba pang non-business taxpayers at ang pag-update ng maiden name para sa babaeng may asawa.
Ayon pa rin kay Comm Lumagui Jr, ang inilunsad na bagong proyekto ay bahagi pa rin ng pagnanais ng BIR na mapabilis ang registration ng mga taxpayers at mahihikayat ang mga ito na maghain at magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan.