Pormal nang bubuksan sa buwan ng Abril ang Binondo-Intramuros bridge sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proyektong pinondohan ng China ay puwede nang madaanan ng mga motorista sa Holy Week sa Abril.
Ang Binondo-Intramuros Bridge project, isa sa mga flagship infrastructure projects ng DPWH sa ilalim ng Build Build Build program ay kinabibilangan ng konstruksiyon ng 680 linear meters bridge na nagkokonekta sa Intramuros sa Solana Street at Riverside Drive sa distrito ng Binondo sa Rentas Street/Plaza del Conde Street at Muelle dela Industria.
Tampok sa naturang tulay ang two-way four-lane basket-handle tied steel arch main bridge.
Makikinabang dito ang tinatayang 30,000 na mga motorista para maiwasan ang mahabang biyahe sa pagitan ng dalawang abalang distrito ng Intramuros at Binondo sa Manila.
Ang P3.39-billion bridge ay magagamit din ng mga pedestrians, mga nagja-jogging at mga nagbibisikleta.