-- Advertisements --
Napili ang Pinay girl group na BINI bilang tourism ambassadors ng Department of Tourism.
Sinabi ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, na ang bawat miyembro ng grupo ay nagrerepresenta ng probinsiya at bayan.
Lahat aniya sila ay may kaalaman tungkol sa makulay na maipagmamalaki ng bawat bayan nila.
Dagdag pa nito na magiging matagal ang pagiging ambassador na maipagmamalaki ng bawat Filipino.
Ang grupo ay binubuo nina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha at Sheena.
Pinasikat ng grupo ang mga kantang “Pantropiko”, “Salamin” at maraming iba.
















