-- Advertisements --
Nakatakdang ilunsad ng girl group na BINI ang sarili nilang cosmetic products.
Sa kanilang social media account ay nagpahapyaw sila kung ano ang aasahan ng mga fans sa nasabing grupo.
Ang nasabing produkto ay kanilang pinili at kanilang mismong mga paborito.
Ito aniya ay para sa mga kababaihan na araw-araw nakikita at lumalaban sa buhay.
Labis na silang nasasabik na ipakilala ang nasabing produkto sa kanilang mga fans.