-- Advertisements --

Naging matagumpay ang kauna-unahang paglabas ng grupong BINI sa global fandom platform na Weverse.

Sa kanilang unang live stream ay nakakuha agad sila ng mahigit na 423,000 na mga veiws o cumulative plays.

Mayroon din silang nakatanggap na mahigit 174-K na mga comments at chats at 21 milyon na hearts at like.

Itinturing ni BINI member Jhoana na nakakapanibago ang nasabing platform dahil sa muli nilang ipinakilala ang grupo sa international fans.

Nasanay aniya sila sa kanilang sariling grupo kung saan ngayon ay sinusubukan nilang magsalita ng English para maintindihan ng ilang mga international fans nila.

Labis naman ang pasalamat ng grupo dahil sa pagtangkilik ng kanilang mga fans anumang platform ang gamit nila.