-- Advertisements --

Inanunsiyo ng girl group na BINI ang kanilang dalawang anniversary concerts na “Signals”.

Ang unang show ay gagananpin sa Hunyo 20 sa MOA Arena na susundan ito sa Hulyo 11 sa Cebu.

Dagdag pa ng grupo na kanilang inaaral ang pagsasagawa pa ng mga konsyerto sa ilang mga lugar sa bansa.

Sa kanilang social media account ay nagpahapyaw sila ng kanilang bagong kanta.

Huling naglabas ng album ang grupo ay noong 2025 na “Flames” kung saan kasama dito ang ilang mga kanta nila gaya ng “ParuParo”, “Sweet Tooth”, “First Luv” at “Shagidi”.

Nitong nakaraang mga linggo lamang ay nailabas nila ng kanilang bagong kanta na “Unang Kilig”.

Sa buwan ng Abril ay gagawa sila ng kasaysayan bilang unang Pinoy group na magtatanghal sa Coachella music festival sa ibang bansa.