-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang binata sa pamamaril dakong alas 7:02 ng gabi nitong Huwebes sa Kidafpawan City.

Nakilala ang biktima na si Jericho Dela Peña, 19 anyos at residente ng Barangay Balindog Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan naglalakad lang ang biktima pauwi ng bahay at pagsapit nito sa kanto ay tinawag ng mga suspek sabay na pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nakatakbo pa si Dela Peña papasok sa isang bahay pero natumba na ito.

Patay on the spot ang binata nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Ang biktima umano ay isa sa mga testigo sa pagpaslang sa binatang si Marco Austria nakalipas na Linggo.

Hustisya naman ang panawagan ng kaanak ng biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.