-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang binata nang sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang dumptruck dakong alas-8:30 kagabi sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Raul Mosquera, 27, residente ng Barangay Capayuran, Pigcawayan, Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, sumalpok ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa sinusundang dumptruck sa national highway sa Sitio Barte, Capayuran, Pigcawayan, Cotabato.
Dahil sa tindi ng pagkabangga ay nabasag ang ulo ng biktima at agad binawian ng buhay.
Maulan kagabi at posibleng hindi naaninag ng biktima ang kanyang sinundang dumptruck at sumalpok.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa naturang pangyayari.