CAUAYAN CITY – Inaresto sa isinagawang drug buybust operation ang isang binata sa barangay Calamagui 2nd , Ilagan City.
Dinakip ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station si Elesaiah Mangat, 19 anyos, binata, residente ng Calamagui 1st na kabilang sa Directorate for Intelligence watchlist ng pulisya.
Nakuha sa suspek ang isang tinuping papel na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.
Nakuha din sa pag-iingat ni Mangat ang drug buybust money at isang cellphone na ginagamit sa transaksyon.
Dati umanong nasangkot ang suspek sa illegal na droga at nakalabas sa kulungan noong Hulyo, 2020 sa pamamagitan ng plea bargaining.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang mga narekober na ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.
Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kasong isasampa laban kay Mangan.