-- Advertisements --
Hinatulan ng 18 taon na pagkakulong ang kilalang kritiko ng Chinese government at bilyonaryong si Sun Dawu.
Ito ay dahil umano nasangkot siya pagsasagawa ng kaguluhan.
Kilala si Sun Dawu bilang kritiko ng China’s ruling Communist Party.
Hinatulan siya ng guilty sa reklamong obstructing public service, picking quarrels and provoking troubles, conducting coercive trade, illegal mining, illegal occupation of agricultural land, illegal absorption of public deposits at marami pang iba.
Maliban sa 18 taong pagkakakulong, pinagbayad din siya ng multang 3.11 million yuan o $480,000 US dollars.
Si Sun Dawu ay may-ari ng Hebei Dawu Agricultural and Animal Husbandry Group na may 9,000 na empleyado.










