-- Advertisements --

Nakatanggap ang standing ovation si tv host Billy Crawford sa paglahok nito sa “Dancing with the Stars” sa France.

Sa social media post ng asawa nitong si Coleen Garcia ay ibinahagi ang naging performance ng asawa.

Nakakuha ito ng apat na buzzers mula sa judges ang naging performance nina Fauve Hauto.

Sinayaw ng dalawa ang kantang “Watermelon Sugar” ni Harry Styles.

Naniniwala si Garcia na magtatagumpay ang asawa sa bandang huli.