-- Advertisements --

Maraming mga artista at songwriters ang pumirma ng sulat na humihirit ng protections laban sa banta ng artificial intelligence.

Nanguna sina Billie Eilish, ,Smokey Robinson at mga kaanak ni Frank Sinatra sa pagpirma ng nasabing sulat.

Isinumite nila ang sulat sa Artist Rights Alliance na isang non-profit organizatioin.

Nakasaad sa nasabing sulat na mahalaga na maprotektahan sila sa negatibong makakayanan ng AI gaya ng pagnakaw sa kanilang boses na siyang lumalabag sa kanilang karapatan at sisira sa music ecosystem.