CAUAYAN CITY РInabot ng tubig baha ang biletting quarter ng mga delegado ng Cagayan Valley Regional Atheltics Association (CAVRAA) sa Catalunan Peque̱o, Davao City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Joselito Narag ng Department of Education (DepEd) Region 2 na nakaranas ng malakas na ulan ang Davao City ngayong gabi sanhi para malubog sa tubig baha ang kanilang biletting quarter sa Catalunan Pequeño.

Ayon kay Narag, ang gymnasium kung saan sila kumain ay binaha dahil nasa tabi ito ng sapa.

Dalawang magkasunod anya na gabi na nakaranas ang Davao City ng malakas na pag-ulan.

Sa kabila na nabaha ang kanilang biletting quarter ay mayroon namang inihandang kuwarto na maaari nilang tulugan ngayong gabi kapag nagkaroon ng ganitong pagbaha.