-- Advertisements --
image 99

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Australia ang bilateral defense relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasunod ito nang pakikipagpulong ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Senior, Undersecretary Jose Faustino Jr. kay Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defence Richard Marles sa sidelines ng kaniyang official visit sa Hawaii, USA.

Dito ay tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalawak pa sa maritime cooperation activities, counter-terror trainings, at education and professionalization opportunities sa pagitan ng Pilinas at Australia.

Nagpalitan din ang dalawa ng kaniya-kaniyang pananaw hinggil sa security situation sa Asia-Pacific region at gayundin ang bilateral defense relations ng dalawang bansa para naman sa pagtugon sa hamon na pareho nitong kinakaharap pagdating sa usaping panseguridad at iba pang common interest.

Samantala, bukod dito ay pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagsasagawa ng multilateral training kasama ang iba pang mga kaalyado nitong bansa bilang pagtugon naman sa traditional at non-traditional security concerns.