-- Advertisements --

Pumalo na sa 26.4 million ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa US mula ng ipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Noong nakaraang linggo lamang kasi ay mayroong 4.4 million na bagong Americans ang naghain ng unemployment benefits.

Ang nasabing kabuuang bilang ay kumakatawan sa 15% ng US workforce.

Naglaan na ring $2 trillion relief package ang US government para matulungan ang mga nawalan ng trabaho.