Umakyat pa sa 101 ang naiulat na namatay dulot ng Tropical Storm Paeng ayon sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing bilang, 73 na ang na-verify at 28 pa ang nananatili para sa validation.
Mayroong 70 naiulat na nasugatan at 66 ang missing.
Nagsimula ang mga bilang ng casualty sa Central Luzon, Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao o Barmm, at ang Cordillera Administrative Region.
Umakyat din ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa 2,039,363 — o kabuuang 618,817 pamilya — sa 5,466 na barangay.
May kabuuang 56,179 pamilya — o 205,016 indibidwal — ang nasa mga evacuation centers, habang 250,255 pamilya — 658,750 indibidwal — ang nasa labas ng evacuation.
Ang tinatayang pinsala sa agrikultura ay nasa P1.174 milyon at ang pinsala sa imprastraktura ay nasa P760,341.
Sa ngayon, 158 na lungsod at bayan ang nagdeklara ng state of calamity.