Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024 ngayong Agosto 28, 2023, 2:00 PM, nasa 22,676,964 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.
Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,465,598 sinusundan ito ng Region III (2,586,926) at NCR (2,480,970).
Dagdag pa rito, ang mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.
Para sa karagdagang detalye, naglabas ang kagawaran ng kopya ng DepEd Memorandum No. 48, s. 2023, upang maging gabay ng mga guro at mag-aaral sa kanilang enrollment at iba pang kailangang proseso.