-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang bilang ng kaso ng Mpox o kilala noon na monkeypox sa buong mundo.

Ayon kay World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mayroon lamang 82,000 na kaso ang naiulat sa 110 na bansa na ang mortality rate nito ay nananatiling mababa na mayroong 65 ang naitalang nasawi.

Dagdag pa nito na nasa 90 percent na ang ibinaba ng nasabing kaso mula ng ideklara ng WHO ang public health emergency of international concern (PHEIC) noong Hulyo.

Kapag magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ay maaari na nilang ideklarang tapos na ang nasabing emergency sa susunod na taon.

Magugunitang plano ng WHO na ideklarang tapos na ang COVID-19 pandemic sa susunod na taon dahil sa maliit na lamang ang naitatalang kaso at marami na rin ang naturukan ng bakuna.