-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang siyam na empleyado ng MMDA, ayon kay general manager Usec. Jojo Garcia.

Sa isang panayam, sinabi ni Garcia na limitado lamang ang bilang ng kanilang mga empleyado ang nagtatrabaho sa ngayon dahil sa paglobo ng bilang ng COVID-19 cases sa kanilang ahensya.

“Of course, may iba naman na pa-recover na. May iba naman na asymptomatic lang. Meron na-ospital pero full recovery na rin po,” ani Garcia.

Nauna nang ipinag-utos ni MMDA chair Danilo Lim ang suspension ng kanilang trabaho noong Hulyo 9 at 10 para bigyan daan ang sanitation at disinfection sa kanilang mga opisina.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang apat sa MMDA personnel.

Ang mga opisina kung saan nagtatrabaho ang MMDA personnel na nagpositibo sa sakit ay isinailalim na sa lockdown at na-sanitize na rin.

Patuloy naman ang ginagwang contact-tracing sa mga nakasalamuhang indibidwal ng mga MMDA personnel na nagpositibo sa COVID-19.