-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Umabot sa kabuuang 1.7 milyon na turista ang nagbakasyon sa Isla ng Boracay noong 2022.

Batay sa record ng Malay Tourism Office, pinakamaraming turistang bumisita ay noong buwan ng Mayo na umabot sa 201,368 at pinakamababa noong Enero na nasa 35,799.

Karamihan sa tourist arrivals ay pawang domestic tourists na sinundan ng mga foreign tourists at overseas Filipino workers.

Narito ang tourist arrivals sa Boracay noong 2022.

Enero – 35,799
Pebrero – 80,882
Marso – 150,597
Abril – 186,751
Mayo – 201,368
Hunyo – 193,650
Hulyo – 183,096
Agosto – 157,338
Setyembre – 122,373
Oktubre – 135,252
Nobyembre – 139,634
Disyembre – 172,852

Samantala, libu-libong turista at residente sa Boracay ang napa-wow sa isinagawang fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon na ini-sponsor ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) na tumagal ng halos 20 minuto.

Ito ang kauna-unahan simula 2018 na muling pinayagan ng pamahalaan ang taunang fireworks display na inaabangan ng karamihang dumadayo sa sikat na beach destination.

Pinatigil ang fireworks display ng Duterte administration matapos ang isinagawang rehabilitasyon sa isla.