Aprubado na ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pagdagdag pa sa bilang ng mga turistang maaaring magtungo sa tinaguriang “City of Pines” kada araw.
Ito ay kahit pa nakakakita an mga health experts ng bahagyang pagdami ng naitatalaang coronavirus cases sa lungsod.
Ibig sabihin lamang nito ay papayagan na ang 500 hanggang 1,000 turista na pumasok sa Baguio City.
Niluwagan na rin nito ang ilang ipinapatupad na coronavirus restrictions sa turismo upang tuluya nang maka-recover ang mga etablisimiyento.
Ayon kay City Tourism Office Alec Mapalo, maaari ng bumalik sa operasyon ang mga transient houses hangga’t mayroong isang certificate of compliance.
Ito umano ang napagkasunduan ng City Tourism Office matapos konsultahin ang ilang hotel operators, Department of Health (DOH) at maging si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Batay kasui sa datos mula sa DOH, mayroong mahigit 20 bagong infections na naitala sa Baguio noong Lunes. Nakapagtala rin ito ng 13.5% positivity rate, mas mataas sa ideal rate ng World Health Organization (WHO) na 5%.
Aminado naman ang DOH na mayroon talagang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa naturang lungsod simula noong mapagdesisyunan nito na muling tumanggap ng mga turista na manggagaling sa ibang probinsya noong Oktubre.
Subalit ayon sa ahensya, resulta lamang ito ng mas pinaigting pa na COVID-19 testing at contact tracing sa Baguio City.