-- Advertisements --

Tumaas ng 30 percents ang bilang ng mga Russian na tumawid sa Euoropean Union sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa European Border and Coast Guard Agency Frontrex na ang nasabing pagtaas ay mula ng inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang partial mobilization ng Russian citizens.

Dahil dito ay nagdulot ng kilos protesta at maraming mga Russians ang lumikas palabas ng kanilang bansa.

Ayon pa sa ahensiya sa nagdaang apat na araw ay maryoong 30,000 na Russian citizens ang dumating sa Finland.

Karamihan sa mga ito ay mayroong residente permit o visas sa EU Member States o Schengen Associated Countries habang ang iba ay mayroong dual citizenships.