-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagsabing sila ay mahirap sa huling quarter ng 2022.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 51 percent ang nagsabing naghirap sila huling tatlong buwan ng 2022.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022 kung saan ito ay isinalin sa estimate na 12.9 milyon Filipinos.

Mas mataas pa ito sa nagsabing mahirap sila noong third quarter ng 2022 na mayroong 12.6 milyon o katumbas ng 49 percent.

Sa nasabing survey ay 31 percent sa mga dito ang nagsabing nasa gitna lamang sila habang 19 percent nagsabing hindi sila mahirap.

Isinagawa ang face-to-face intervies sa may 1,200 adults kung saan tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas ta Mindanao.