-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga Filipino ang nagsabing hindi na ligtas ang mga kalsada at lumala ang problema ng iligal an droga sa bansa.
Ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 50 percent sa mga respondent ang nagsabing natatakot na silang maglakad ng mag-isa sa kalsada.
Mayroon ding 60 percent ang nagsabing natatakot silang mapasok ng mga kawatan ang kanilang mga bahay.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022 na mayroong 1,200 adult respondents.
Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong nakaraang panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.










