-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Umabot na sa 2,417 ang apektadong mga pamilya ang pinsalangs dulot ng bagyong Egay sa region 1.

Ayon kay Adreanne Pagsolingan, Information Officer Office of the Civil Offense Region I, sa nasabing bilang ay 208 families ay nasa loob ng evacuation centers, at ang iba anman ay nasa kani-kanilang mga kamag-anak

Dagdag pa niya, nagsagawa ng Pre-emptive Evacuation ang kinauukulan na kung saan ang Local Government Unit (LGU) Bangued sa Abra ay nakakalap ng 26 families na evacuees.

Samantala, may mga damages ding naitala sa probinsya.

Kaugnay nito, sinabi ni Pagsolinan na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Councils sa Region I ay nakataas pa rin sa red alert status.

Paalala naman nito sa publiko, maging alerto, mapagmatiyag sa mga posibleng epekto ng bagyong egay.

Ugaliin din raw na makinig at sumunod sa paalala ng kinauukulan, para sa kanilang kaligtasan.