-- Advertisements --
Bumababa ang bilang ng mga bumili ng sasakyan sa bansa nitong buwan ng Hunyo.
Base sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMI) na mayroong 36,311 units lamang ang kanilang nailabas noong Hunyo.
Ang nasabing bilang ay mas mababa ng 4.9 percent sa 38,177 units na naibenta noong Mayo.
Ang kagandahan lamang nito ay mas mataas naman ito kumpara sa naibenta noong Hunyo 2022 na mayroon lamang 28,601.
Tiwala naman si Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) president Atty. Rommel Gutierrez na maaabot pa rin nila ang kanilang annual target na car sales ngayong taon.