-- Advertisements --
Sim K

Mahigit isang linggo na lamang bago ang nakatakdang deadline ng SIM card registration sa Abril 26, hindi pa nangangalahati ang bilang ng nagparehistro mula sa kabuuang bilang ng SIM cards sa buong Pilipinas

Ayon sa data na inilabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa 69,828,115 SIM cards pa lamang ang nairehistro.

Katumbas ito ng 41.32% ng kabuuang 168,977,773 SIM cards sa buong bansa.

Bunsod nito, puspusan ang paghimok ng ahensiya sa publiko na magpatala na ng SIM cards.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng DICT na mananatili ang deadline sa Abril 26 ng kasalukuyang taon.

Paalala muli ng ahensya na sa ilalim ng SIM Card Registration Act, binibigyan ang mga user ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023 para irehistro ang kanilang mga SIM card dahil kapag nabigong makapagpatala ng sim card awtomatiko itong madedeactivate.

Ang implementing rules and regulations ng SIM Card Registration Act ay nagkabisa noong Disyembre 27, matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas noong Oktubre.