-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga nagpakasal noong nakaraang taon matapos ang pagluluwag sa mga restrictions.

Base sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 13.1 percent ang pagtaas na nagpakasal mula Enero hanggang Oktubre 2022.

Nanguna dito ang Batangas na sinundan ng Cavite at pumangatlo naman ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming bilang ng mga nagpakasal.

Bumaba naman sa 20.6 percent ang bilang ng mga ipinanganak noong nakaraang taon na nasa 783,199 habang mayroong 418,027 ang namatay noong nakaraang taon na mas mababa ng 38.6 percent noong 2021.