-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga lumipat ng service providers mula ng ipatupad ng gobyerno ang SIM registration.

Ayon sa Telecommunications Connectivity, Inc. (TCI) ang siyang nangangasiwa ng mga mobile number porting o paglilipat ng network ng hindi pinapalitan ang mobile number.

Nitong Enero lamang aniya ay mayroong 28 percent na mga mobile user ang nag-avail ng kanilang mobile porting.

Ayon kay Telecommunications Connectivity, Inc. General Manager Melanie Arsua-Manuel, na naging susi ang pagtaas ng bilang ng paglipat ng mobile network ang pagpapatupad ng SIM Registration.

Dagdag pa nito na malaya ang mga subscribers na mamili ng mga network na nais nilang gamitin base sa kanilang mga lugar na kinaroroonan kung aling mga cellular companies ang may malakas na signals.