-- Advertisements --

Dumami pa ang grupo na interesadong makakuha ng mga digital banking licenses sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, na ginagawa nila ang paraan para mabigyan ng digital banking licenses ang nasabing mga kumpanya.

Noong 2021 kasi ay nagpatupad sila ng tatlong taon na moratorium sa pagpapalabas ng digital banking licenses.

Nalimitahan lamang ang digital banks sa anim.

Sakaling matapos na ang kanilang pag-aaral ay posibleng tanggalin na nila ang tatlong taon na moratorium na ipinapatupad sa mga anim na naunang nabigyan ng digital banking licenses.