-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga isinilang na sanggol noong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Commission on Population (POPCOM).

Base sa preliminary report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng POPCOM na 1,516,042 lang ang registered births sa bansa noong nakaraang taon.

Pinakamababa ang bilang na ito mula noong 1986 nang tanging 1,493,995 Pilipino lamang ang naipanganak.

Ang datos noong 2020 ay mas mababa rin ng 157,881 kumpara sa bilang ng mga naipanganak na Pilipino noong 2019.

Bukod sa childbirth, bumaba rin ang bilang ng mga nagpakasal noong 2020 sa Pilipinas sa nakalipas na 20 taon.

Tanging 240,183 magkasintahan ang nagpakasal, o 44 percent na mas mababa rin kumpara noong 2019 nang 431,972 ang nagpakasal.

Sinabi ni undersecretary for Population and Development Juan Antonio Perez III, ang naitalang pagbaba sa 2020 birthrate ay resulta ng pinagsamang epekto ng kakaunti lamang ang nagpapakasal, mga kababaihan na ayaw magbuntis sa gitna ng pandemya, dumaraming bilang ng mga babae na gumamait ng family planning methods.