-- Advertisements --
Umaabot na sa 46 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, karamihan sa mga ito ay mula sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Maynila.
Mayroon ding infected sa Pasay satellite office nila at maging sa Cebu.
Sa kasalukuyan, mayroong 37 na naka-quarantine, habang siyam naman ang gumaling.
Sumasailalim na rin sa regular na pag-disinfect ang mga pasilidad ng BI, para matiyak na ligtas ang kanilang natitirang work force at maging ang mga taong may transaksyon sa kanilang mga opisina.
















