-- Advertisements --

Aabot na sa 1,500 ang bilang ng mga illegal aliens sa bansa ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ngayong taon.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa nakalipas na taon kung saan 500 illegal aliens lamang ang naaresto.

Ang mga kaso aniya na kanilang hinahawakan ay may kaugnayan lamang sa mga paglabag sa immigration laws katulad ng overstaying sa bansa, kakulangan ng mga dokumento at mga nagtatagong kriminal.

Samantala, sinabi rin ni Sandoval na tumataas na rin ang bilang ng mga foreigners na dumarating sa bansa kabilang na ang mga nagtatrabaho at nag-aaral dito.

Aniya, ngyaong taon lang nasa 13 million foreigners ang dumating sa bansa.

Karamihan naman aniya sa mga illegal foreign workers sa Pilipinas ngayon ay pawang mga Chinese.

Dahil dito, naging mas strikto na aniya ang BI sa paglabas ng special working permits sa mga foreign workers.