-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga namimili gamit ang kanilang cellphone sa Pilipinas.
Ayon sa Malaysian e-commerce aggregator na i-Price na ang mga mobile purchases sa bansa ay dumoble pa noong nakaraang taon.
Base kasi sa kanilang pag-aaral na noong nagdaang limang taon ay bumibili ang mga Filipino online gamit ang mga desktop computers subalit ngayon ay gamit na ang kanilang mga cellphone.
Inihalimbawa nito ang Vietnam na karamihan aniya ay nagtitingin lamang sa kanilang mga cellphone at isasagawa ang pinal na pagbibili sa kanilang desktop computers.
Isinagawa ang pag-aaral mula sa 125 milyon unique users ng kanilang websites sa anim na SouthEast Asian Countries na kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Thailand, Vietnam, Malaysia at Singapore.