Mas dumami pa ang bilang ng mga Filipino college graduates ang kumukuha ng technical vocational education training (TVET) courses na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Education Situationer: Challenges and Ways Forward na kaya maraming kumuha ng nasabing mga kurso ay para sila ay makapagtrabaho sa ibang bansa.
Noong 2018 lamang ay tumaas ang bilang ng college graduates na kumuha ng TVET kumpara sa mga college undergraduates at yung mga nagtapos lamang ng high school at elementary.
Payo naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Employment and Human Resource Development cluster Undersecretary Carmela Torres na dapat tignan ng mga mag-aaral ang mga in-demand na mga oportunidad.
Nakikita nilang mas in-demand ngayon ang may kinalaman sa digitalization.