-- Advertisements --

Bumaba ang bilang mga nakabili ng bagong sasakyan noong Enero dahil sa pagsabog ng Taal volcano.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (Campi) at Truck Manufacturers Association (TMA), bumaba ang kanilang benta ng 12 percent.

Mayroong kabuuang 23,723 units noogn Enero ang kanilang naibenta o 11.8 percent na mas mababa kumpara sa 26,888 na naibenta sa parehas na buwan noong 2019.

Ayon sa grupo, na maraming mga negosyante ang tumigil ang operasyon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Noong nakaraang taon ay aabot sa 37,000 na sasakyan ang naibenta ng grupo.